Wednesday, April 10, 2013

Deep Conditioning

At dahil napabayaan ko na yung hair ko and super dry na. Deserved ko ng magpa hair treatment. Last month nagpa-Japanese hair straightening ako. I always ponytail my hair kahit basa pa. Kaya naging dry, curly and buhaghag pa. Sabi nga nila "Hair is you Crowning Glory". And sinasabi din ng bf ko na alagaan ko daw yung hair ko. Kaya I decided na din magpa straight ng hair. Tadah! maganda ang naging result. Mejo nagpapaka nega pa ako na baka mapoknat ako or tumigas yung hair ko, magmukha akong walking walis. But I'm really happy na gumada yung texture ng hair ko, smooth and shinny sya and of course straight after ng Japanese hair straightening. 

Vietnamese yung nagstraight sa hair ko. Family Cut name ng salon , located sa may Pioneer Blvd.  Lakewood.  She's nice , she even tell story while she was doing my hair. She gave me tips on how to take care my hair. The proper combing is the basic. I asked her why my hair is so elastic , especially when it's damp.  Dahil pala yun sa pagsusuklay ko. I should not forced combing my hair when it has tangles. Nagkakaron ng breakage at nagiging elastic pa yung hair. So pag daw susuklayin ko kelangan ng support ang hair, hold mo yung part ng hair tsaka suklayin yung may tangle na part para di masakit at mahirap suklayin. And of course pangit din yung palaging nagiiron or nagccurl ng hair. Magkakadamage talaga yung hair and lots of breakage. 


I tried the deep conditioning treatment. Di naman sya gano katagal. 30-45 minutes yung treatment. First she shampooed my hair , then she applied the deep conditioning treatment, Nakalimutan kong itanong yung name or brand ng ginagamit nya for the treatment. As far as I remember , she said na galing lahat sa Japan yung mga ginagamit nya. Tapos nilagay nya under heat steam yung hair ko para mas ma- absorbed pa ng hair ko yung deep conditioning cream. After 30 minutes, she rinsed my hair at meron pa syang inaapply na kung ano ano. And then blow dry nya hair ko and trimmed nya yung dulo . Sabi ko pa U shaped na lang para meron lang shaped. XDDD maganda naman result , I liked it baka next month ulit or the other month try ko naman yung Cellophane treatment, mas mahal lang ang cellophane ($55) at ang deep conditioning naman na ginawa sa hair ko kanina is $25 only.


 under the steam....


Nakaka-relax mag pa hair treatment. I'll definitely do it again at the same place. Alagaan ko na talaga yung hair ko ngayon.


No comments:

Post a Comment